Huwag na nating patagalin ang kanilang paghihintay! Ako ay humihikayat sa iyo at sa iyong pamahalaan na kumilos na ngayon, para suportahan ang mga manggagawa na nasugatan sa trabaho at ang kanilang mga pamilya, upang ang WCB ay maging organisasyon na tunay na sumusuporta ng mga manggagawa. Hinihiling namin na ipatupad ang mga pagbabago na nirerekomenda ng Patterson Report, sa lalong madaling panahon. Kabilang dito ay:
-
Baguhin ang Workers Compensation Act para:
- Gumawa ng organisasyon, Fair Practises Commission, na hiwalay sa WCB. Itong hiwalay na komision ang mag-aasikaso ng mga indibidwal at sistematikong mga reklamo, at magpapatupad ng mga solusyon;
- Tanggalin ang mga umiiral na mga probisyon, at payagan na ang mga desisyon ay gagawin base sa mga argumento at hustisya ng kaso. Siguraduhin na ang mga manggagawa ay tinatrato bilang tao, nang may dignidad at respeto;
- Siguraduhin na patas ang representasyon ng mga manggagawa at employer sa WCB Board of Directors;
- Para ang mga manggagawa ay makabalik sa makabuluhan at pangmatagalan na trabaho, sila ay bigyan ng mandatory vocational rehabilitation;
- Itigil ang diskriminasyon sa pagbibigay ng bayad sa mga manggagawa na may sikolohikal na pinsala at pangmatagalang malalang sakit.
-
Na ang WCB ay magbayad ng interet, kapag nagdusa ang manggagawa dahil sa kanilang pagkakamali sa pagtanggi ng pagbibigay ng worker benefits at nagtiis ng mapakahabang proseso.
- Siguraduhin na ipapatupad ng WCB ang mga pagbabagong nakalaan sa Patterson Report, para makagawa ng proseso na laging inaalala ang kapakanan ng mga manggagawa, na laging inuuna ang paghilom at kaligtasan ng mga manggagawang nasugatan, sa kanilang sistema ng pagbibigay ng kabayaran para sa pinsala.